Posts

Kultura at mga Tradisyon sa Pilipinas

Image
  Credits to the owner of the photos. Pero bago tayo magsimula ano nga ba ang Kultura ? Ito ay ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng komunidad o lipunan at nag sisilbi din itong pag kakakilanlan ng isang lugar. Ngayon dumako tayo sa mga halimbawa ng kultura.   Pagmamano Nakasanayan na natin itong gawin bilang paggalang sa mga nakatatanda, minsan babanggitin natin ang salitang "mano po". Ginagamit din natin itong pagbati bago umalis at pagdating sa ating bahay at bata palangay sinasanay na tayong gawin ito. Harana Ito ay lumang paraan ng panliligaw kung saan ang binata ay aawit o tutugtog para sa kaniyang sinisinta para makuha ang puso nito, karaniwan itong ginagawa sa labas ng bahay bitbit ang gitara.Talagang nakakatuwa ang ganitong paraan ng panliligaw sana ay ipagpatuloy natin ang ganitong paraan. Bayanihan Ito ay samahan na kung saan sama-samang nagtutulungan ang mga magkakapitbahay o magkakabigan.Tunay itong nakakatuwa dahil dito naipapakita ang tot...