Kultura at mga Tradisyon sa Pilipinas
Credits to the owner of the photos.
Pero bago tayo magsimula ano nga ba ang Kultura?Ito ay ang kabuuang paraan ng pamumuhay ng mga tao bilang kasapi ng komunidad o lipunan at nag sisilbi din itong pag kakakilanlan ng isang lugar.Ngayon dumako tayo sa mga halimbawa ng kultura.
PagmamanoNakasanayan na natin itong gawin bilang paggalang sa mga nakatatanda, minsanbabanggitin natin ang salitang "mano po". Ginagamit din natin itong pagbati bago umalis at pagdating sa ating bahay at bata palangay sinasanay na tayong gawin ito.
Harana
Ito ay lumang paraan ng panliligaw kung saan ang binata ay aawit o tutugtog para sa kaniyang sinisinta para makuha ang puso nito, karaniwan itong ginagawa sa labas ng bahay bitbit ang gitara.Talagang nakakatuwa ang ganitong paraan ng panliligaw sana ay ipagpatuloy natin ang ganitong paraan.
Bayanihan
Ito ay samahan na kung saan sama-samang nagtutulungan ang mga magkakapitbahay o magkakabigan.Tunay itong nakakatuwa dahil dito naipapakita ang totoong ugali ng mgq Pilipino at talagang dapat itong maipagmalaki.
Tunay na kagilagilalas ang kultura ng mga Pilipino, hindi lang ito ang mga kulturang Pilipino napakarami pang iba na talaga namang maipagmamalaki natin na tatak Pinoy.
Pero bago yan ano nga ba ang Tradisyon?
Ito ay tumatalakay sa mga kasangkapan,
kasuotan,pagkain,tahanan,edukasyon,kaugalian,pamahalaan,paniniwala,rehiyon o pananampalataya,sining o aghan at wika ng bawat tao sa isang lugar.
Ngayon dumako naman tayo sa mga halimbawa ng Tradisyon.
Pamamanhikan
Isa na itong Tradisyon na ginagawa kapag ang babae at lalaki ay nagkasundong mag pakasal.Pormal na hinihingi ng lalaki ang kamay ng babae mula sa mga magulang nito.
Piyesta
Ginagawa ito para ipagdiwang ang araw ng isang lalawigan,nayon o kahit pa ng mgabagay tulad ng Pista ng Poong Nazareno sa Quiapo.Hindi rin mawawala dito ang peryahan,palaro at mga pagtitipon ng mga kamag-anak,kaibigan o magpapamilya upang mag salu-salo sa hapag.
Simbang Gabi
Ginagawa ito siyam na gabi bago sumapit ang pasko o kapanganakan ni Hesukristo.Sama-sama ang buong pamilya sa pag punta sa simbahang katoliko at doon mag dadasal, sinasabi din nilang pag nakumpleto mo ang siyam na gabi ay tiyak na matutupad ang iyong kahilingan.
Mahal na Araw / Senakulo
Ito ang paggunita at pagbabalik loob ng mga Kristiyanong Pilipino sa pinaniniwalaan nilang diyos na tagapagligtas na kinakatawan ni Hesukristo.
Napakarami pang halimbawa at talagang nakakamangha ang iba't-ibang Tradisyon nating mga pilipino sana ay ituloy natin itong gawin bilang pagpapahalaga sa mga Tradisyon natin.
Ipinasa ni:
Caryl S. NAMA
StEM B
Comments
Post a Comment